Paskong Paslit

Sa pagdiriwang ng kapaskuhan ang Baliwag Tourism Council ay nagsasagawa ng mga programa upang ipadama ang saya at tunay na diwa ng Pasko sa mga batang  kapos palad at isa na rito ang programa ng Paskong Paslit.

Ang Paskong Paslit ay programa kung saan bawat barangay ay mag hahanap ng mga batang kapos palad. Sa bawat barangay ang Baliwag Tourism Office ay nagbigay ng form kung saan itatala ang mga pangalan ng bawat bata. Bawat bata na nakatala ay magkakatanggap ng grocery items, loot bags at tokens. Makakalahok din sila sa mga games na inihanda ng Baliwag Tourism Council.

Sa nakaraang Nobyembre 23, 2018 sa SM City Baliwag Event Center ginanap ang ika- 3 taong programa ng Paskong Paslit. Ito ay pinamunuan ni Mayora Jonnah Nubla-Estrella ang programa katuwang ang mga miyembro ng Tourism Council at Baliwag Tourism Office. Mahigit 300 bata ang binigyang aliw at saya.

Pinamunuan ng mga kapitana ng barangay ang pagbibigay ng mga ID at stub sa pagpaparehistro ng mga bata..

Nagsimula ang programa sa paglabas at pag aaliw ng mga mascot ng Toms World na sina Tom at Joy, si Jollibee at ang Mascots na si Buko at Pechay. Ang mga bata ay tuwang tuwa at sabik na sabik ng makita ang kanilang mga paboritong mascots. Sinundan naman nito ang mga palarong inihanda ng Baliwag Tourism Counsil na lalong ikinasigla ng mga bata.

Sa kalagitnaan ng kasiyahan ay nagpaunlak ng mensahe si Mayor Ferdie V. Estrella, gayundin ang kanyang may bahay at tumatayong Chairman ng Baliwag Tourism Council na si Mayora Jonnah Nubla- Estrella sa mga nagsipagdalo sa programa sinundan din ito ng masiglang pagbati ni Cong. Gavini “Apol” Pancho.

Naghanda din ang Tourism Council ng mga pagkain na pinagsaluhan ng mga bata gayundin ang Classic Savory, Juan Rafaels Catering Services, Gloria Romero’s , Bolelets Kitchen at Inang Ko Po Catering Services na nagbahagi ng kanilang mga produkto upang busugin ang mga nagsipagdalong bata. Chocolate sundae at apple pie naman ang ipinamigay ni Cong. Apol upang pagsaluhan ng mga nagsipagdalo sa programa.

Matapos ang kainan ay sinimulan nang ipamigay ng Tourim Council Officers ang mga grocery item, tsinelas, loot bags, tokens at regalo sa mga bata na tuwang tuwa namang tinanggap ang mga ito.

No comments
None NonePaskong Paslit

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *