Wish Upon A Star

Kasabay ng Paskong Paslit ay isinagawa din ang programang Wish Upon a Star. Ito ay pagtupad sa mga simpleng hiling ng mga piling Baliwagenyo na mabubunot.

Sa pagsasagawa nito ang Baliwag Tourism Office ay nag handa ng mga kahon upang ilagay sa bawat barangay. Dito ilalagay ang mga hiling at impormasyon  ng mga nagsipagsali.

Sa takdang araw ng Disyembre 7 ay kinolekta ang mga kahon upang pamilian at maihanda ang mga natupad na kahilingan. Si Sir Edwin Bautista ang nanguna sa pamimili kasama ang  ilang Tourism Council Officers.

Sa pagtutulungan ng Baliwag Tourism Council, Baliwag Tourism office at mga sponsors ay nabigyang katuparan ang may 70 bilang na kahilingan.

Matapos ang programa ng Paskong Paslit ay inanunsyo na ang mga pangalan ng mga napili para sa Wish Upon A Star at sa pagtutulungan ng Baliwag Tourism Council, Baliwag Tourism Office at mga sponsors ay nabigyang katuparan ang kanilang mga kahilingan.

Mayroong humiling ng pang Noche Buena, damit, gamit sa bahay, gadget at mga laruan. Mayroon ding humiling ng hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanilang mahal sa buhay. At lahat ay nabigyang katuparan.

No comments
None NoneWish Upon A Star

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *