Pasko Sa Kalye (2018)

Isang makulay, masaya at nagliliwanag na gabi ang nasaksihan sa bayan ng Baliwag noong ika labing-apat ng Disyembre, ngayong taon. Ito ang taunang paligsahan ng mga mag-aaral sa bayan ng Baliwag, kung saan nagpapagalingan ang mga mag-aaral sa pagsayaw sa tema ng kapaskuhan. Ito ay nahahati sa dalawang lebel, ang Elementary at High School / College Level.

Ngayong taon, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag  at Tanggapan ng Turismo, labing tatlo na eskwelahan ang nakipagpaligsahan at umindayog sa tugtuging Kumukutikutitap, na inawit ni Joey Albert, at may temang White Christmas.

Ito ay dinaluhan ng may mahigit kumulang  5000 tao. Nariyan ang mga taga suporta ng bawat manlalahok at binigyang ingay ang mga buong Plaza.

Nagsimula ang paligsahan sa pagparada ng mga kalahok na pinangunahan naman ng Baliwag Tourism Council. Sila ay pumarada  mula sa Munisipyo ng Baliwag hanggang sa narating  nila ang Plaza Naning kung saan ginanap ang kanilang showdown.

Bago pa man ang showdown ay lumabas  at nagpakitang gilas ang mga mascot ng Toms World na sina Joy at Tom Upang aliwin ang mga manonood. Dito namigay din sila ng  mga gift certificates sa mga masiglang manonood.

Napuno ng hiyawan at palakpakan ang buong Plaza ng magsimula na ang programa

Unang sumabak ang mga mag-aaral mula sa pitong kalahok ng Elementary lebel na sinundan naman ng anim na kalahok ng High School at College Level. Kasama sa kanilang pagtatanghal ang mga naggagandahang props na dinekurasyonan pa ng mga ilaw upang lalo silang magningning

Elementary Level

Blg. Elementary Level
1 Virgen Delas Flores Elementary School
2 Matangtubig Elementary School
3 Calantipay Elementary School
4 Paitan Elementary School
5 Hinukay ElememtarySchool
6 Subic Elementary School
7 Catulinan Elementary School

High School/ College Level

Blg. Elementary Level
1 Virgen Delas Flores Elementary School
2 Matangtubig Elementary School
3 Calantipay Elementary School
4 Paitan Elementary School
5 Hinukay ElememtarySchool
6 Subic Elementary School
7 Catulinan Elementary School

Mga naghuhusayang personalidad sa larangan ng kultura  at sayaw ang mga naging hurado sa kompetisyon.

Judges:

Judge 1

Marlon Hipolito

-Bulacan Provincial Librarian from the Provincial Government of Bulacan under the Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office (PHACTO).

-Founding President of Bulacan Public Librarian Association Inc.

-Asst. Production Manager of Sineliksik Coffee Table Book.

Judge 2

Ricky O. Pablo

-Former Tourism Officer of The Municipality of Lubao Pampanga

-Coordinator of Sampaguita Festival of Lubao.

-Awarded as first ever “Grand Slam Award” for three consecutive years at the Sinukwan Festival of the Province of Pampanga.

-Coordinator of Festival King & Queen  of Sampagita Festival.

Judge 3

Rodel Mayor Fronda

-Artistic Director/ Choreographer/ Dancer at Lahing Batangan Dance Troupe .

-Project Coordinator at Cultural Center of the Philippines.

-Former Artist at Bayanihan, The National Dance Company of the Philippines.

-Former Choreographer at Barasoain Kalinangan Foundation Inc.

-Former Director of International Affairs at Melangas Dance Ensemble

 

Judge 4

Rene Villanueva

-Tourism Officer of Guiguinto Bulacan.

-Past President at Kolehiyo ng Guiguinto.

-SIKKKAT Department Head at Guiguinto

-Bulacan Gawad Singkaban Best Tourism Officer

-Former Writer/ Producer at TV 5

-Studied at AB-Classical Major in Philosophy at San Carlos Seminary

Isang makabuluhang mensahe naman ang iginawad ni Mayor Ferdie V. Estrella sa mga manonood at mga kalahok kasama ang kanyang may bahay at tumatayong Baliwag Tourism Chairman, Mayora Jonnah Nubla-Estrella. Kasama rin nilang nanood ang Tourism Chairman na si Kon. Joel Pascual. Magiliw nilang sinaksihan ang nagliliwanag at masayang kompetisyon ng Pasko sa Kalye.

Isang taimtim doxology para sa panalangin ang pinangunahan ng STI Colleg of Baliwag na sinundan naman ng pag-awit ng Lupang Hinirang ng isa sa mga finalist ng Baliwag Got Talent Season 2 na si Alleya Cristine Olandria,.

Lalong lumakas ang mga hiyawan at palakpakan mula sa mga manonood ng ianunsyo ang mga nagsipagwagi sa kompetisyon. Makikita rin sa mga mukha ng kalahok ang kanilang kaba at pagkasabik para sa naging resulta ng paligsahan.

Ang mga magsisispagwagi sa Pasko sa Kalye 2018 Street Dance Competition ay makakakuha ng Cash Prize at Trophy.

Ang mga nagsipagwagi para sa Elementary Level ay ang Paitan Elementary School na nakakuha ng 3rd Place na sinundan naman ng Subic Elementary School para sa 2nd Place at ang Catulinan Elementary School naman ang itinanghal na Grand Champion para sa Elementary Level.

Pasko sa Kalye Champion 2018 Elementary  Level – Catulinan Elementary School

2nd Place Elementary Level – Subic Elementary School

3rd Place Elementary Level – Paitan Elementary School

No comments
None NonePasko Sa Kalye (2018)
read more