Isang makulay, masaya at nagliliwanag na gabi ang nasaksihan sa bayan ng Baliwag noong ika labing-apat ng Disyembre, ngayong taon. Ito ang taunang paligsahan ng mga mag-aaral sa bayan ng Baliwag, kung saan nagpapagalingan ang mga mag-aaral sa pagsayaw sa tema ng kapaskuhan. Ito ay nahahati sa dalawang lebel, ang Elementary at High School / College Level. Ngayong taon, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag at Tanggapan ng Turismo, labing tatlo na eskwelahan ang nakipagpaligsahan at umindayog sa tugtuging Kumukutikutitap, na inawit ni Joey Albert, at may temang White Christmas. Ito ay dinaluhan ng may mahigit kumulang 5000 tao. Nariyan ang mga taga suporta ng bawat manlalahok at binigyang ingay ang mga buong Plaza. Nagsimula ang paligsahan sa pagparada ng mga kalahok na pinangunahan naman ng Baliwag Tourism Council. Sila ay pumarada mula sa Munisipyo ng Baliwag hanggang sa narating nila ang Plaza Naning kung saan ginanap ang kanilang showdown. Bago pa man ang showdown ay lumabas at nagpakitang gilas ang mga mascot ng Toms World na sina Joy at Tom Upang aliwin ang mga manonood. Dito namigay din sila ng mga gift certificates sa mga masiglang manonood. Napuno ng hiyawan at palakpakan ang buong Plaza ng magsimula na ang programa Unang sumabak ang mga mag-aaral mula sa pitong kalahok ng Elementary lebel na sinundan naman ng anim na kalahok ng High School at College Level. Kasama sa kanilang pagtatanghal ang mga naggagandahang props na dinekurasyonan pa ng mga ilaw upang lalo silang magningning Elementary Level High School/ College Level Mga naghuhusayang personalidad sa larangan ng kultura at sayaw ang mga naging hurado sa kompetisyon. Judges: Judge 1 Marlon Hipolito -Bulacan Provincial Librarian from the Provincial Government of Bulacan under the Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office (PHACTO). -Founding President of Bulacan Public Librarian Association Inc. -Asst. Production Manager of Sineliksik Coffee Table Book. Judge 2 Ricky O. Pablo -Former Tourism Officer of The Municipality of Lubao Pampanga -Coordinator of Sampaguita Festival of Lubao. -Awarded as first ever “Grand Slam Award” for three consecutive years at the Sinukwan Festival of the Province of Pampanga. -Coordinator of Festival King & Queen of Sampagita Festival. Judge 3 Rodel Mayor Fronda -Artistic Director/ Choreographer/ Dancer at Lahing Batangan Dance Troupe . -Project Coordinator at Cultural Center of the Philippines. -Former Artist at Bayanihan, The National Dance Company of the Philippines. -Former Choreographer at Barasoain Kalinangan Foundation Inc. -Former Director of International Affairs at Melangas Dance Ensemble Judge 4 Rene Villanueva -Tourism Officer of Guiguinto Bulacan. -Past President at Kolehiyo ng Guiguinto. -SIKKKAT Department Head at Guiguinto -Bulacan Gawad Singkaban Best Tourism Officer -Former Writer/ Producer at TV 5 -Studied at AB-Classical Major in Philosophy at San Carlos Seminary Isang makabuluhang mensahe naman ang iginawad ni Mayor Ferdie V. Estrella sa mga manonood at mga kalahok kasama ang kanyang may bahay at tumatayong Baliwag Tourism Chairman, Mayora Jonnah Nubla-Estrella. Kasama rin nilang nanood ang Tourism Chairman na si Kon. Joel Pascual. Magiliw nilang sinaksihan ang nagliliwanag at masayang kompetisyon ng Pasko sa Kalye. Isang taimtim doxology para sa panalangin ang pinangunahan ng STI Colleg of Baliwag na sinundan naman ng pag-awit ng Lupang Hinirang ng isa sa mga finalist ng Baliwag Got Talent Season 2 na si Alleya Cristine Olandria,. Lalong lumakas ang mga hiyawan at palakpakan mula sa mga manonood ng ianunsyo ang mga nagsipagwagi sa kompetisyon. Makikita rin sa mga mukha ng kalahok ang kanilang kaba at pagkasabik para sa naging resulta ng paligsahan. Ang mga nagsipagwagi para sa Elementary Level ay ang Paitan Elementary School na nakakuha ng 3rd Place na sinundan naman ng Subic Elementary School para sa 2nd Place at ang Catulinan Elementary School naman ang itinanghal na Grand Champion para sa Elementary Level. Pasko sa Kalye Champion 2018 Elementary Level – Catulinan Elementary School 2nd Place Elementary Level – Subic Elementary School 3rd Place Elementary Level – Paitan Elementary School
Blg.
Elementary Level
1
Virgen Delas Flores Elementary School
2
Matangtubig Elementary School
3
Calantipay Elementary School
4
Paitan Elementary School
5
Hinukay ElememtarySchool
6
Subic Elementary School
7
Catulinan Elementary School
Blg.
Elementary Level
1
Virgen Delas Flores Elementary School
2
Matangtubig Elementary School
3
Calantipay Elementary School
4
Paitan Elementary School
5
Hinukay ElememtarySchool
6
Subic Elementary School
7
Catulinan Elementary School
Wish Upon A Star
Kasabay ng Paskong Paslit ay isinagawa din ang programang Wish Upon a Star. Ito ay pagtupad sa mga simpleng hiling ng mga piling Baliwagenyo na mabubunot. Sa pagsasagawa nito ang Baliwag Tourism Office ay nag handa ng mga kahon upang ilagay sa bawat barangay. Dito ilalagay ang mga hiling at impormasyon ng mga nagsipagsali. Sa takdang araw ng Disyembre 7 ay kinolekta ang mga kahon upang pamilian at maihanda ang mga natupad na kahilingan. Si Sir Edwin Bautista ang nanguna sa pamimili kasama ang ilang Tourism Council Officers. Sa pagtutulungan ng Baliwag Tourism Council, Baliwag Tourism office at mga sponsors ay nabigyang katuparan ang may 70 bilang na kahilingan. Matapos ang programa ng Paskong Paslit ay inanunsyo na ang mga pangalan ng mga napili para sa Wish Upon A Star at sa pagtutulungan ng Baliwag Tourism Council, Baliwag Tourism Office at mga sponsors ay nabigyang katuparan ang kanilang mga kahilingan. Mayroong humiling ng pang Noche Buena, damit, gamit sa bahay, gadget at mga laruan. Mayroon ding humiling ng hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanilang mahal sa buhay. At lahat ay nabigyang katuparan.
Paskong Paslit
Ang Paskong Paslit ay programa kung saan bawat barangay ay mag hahanap ng mga batang kapos palad. Sa bawat barangay ang Baliwag Tourism Office ay nagbigay ng form kung saan itatala ang mga pangalan ng bawat bata. Bawat bata na nakatala ay magkakatanggap ng grocery items, loot bags at tokens. Makakalahok din sila sa mga games na inihanda ng Baliwag Tourism Council. Sa nakaraang Nobyembre 23, 2018 sa SM City Baliwag Event Center ginanap ang ika- 3 taong programa ng Paskong Paslit. Ito ay pinamunuan ni Mayora Jonnah Nubla-Estrella ang programa katuwang ang mga miyembro ng Tourism Council at Baliwag Tourism Office. Mahigit 300 bata ang binigyang aliw at saya. Pinamunuan ng mga kapitana ng barangay ang pagbibigay ng mga ID at stub sa pagpaparehistro ng mga bata.. Nagsimula ang programa sa paglabas at pag aaliw ng mga mascot ng Toms World na sina Tom at Joy, si Jollibee at ang Mascots na si Buko at Pechay. Ang mga bata ay tuwang tuwa at sabik na sabik ng makita ang kanilang mga paboritong mascots. Sinundan naman nito ang mga palarong inihanda ng Baliwag Tourism Counsil na lalong ikinasigla ng mga bata. Sa kalagitnaan ng kasiyahan ay nagpaunlak ng mensahe si Mayor Ferdie V. Estrella, gayundin ang kanyang may bahay at tumatayong Chairman ng Baliwag Tourism Council na si Mayora Jonnah Nubla- Estrella sa mga nagsipagdalo sa programa sinundan din ito ng masiglang pagbati ni Cong. Gavini “Apol” Pancho. Naghanda din ang Tourism Council ng mga pagkain na pinagsaluhan ng mga bata gayundin ang Classic Savory, Juan Rafaels Catering Services, Gloria Romero’s , Bolelets Kitchen at Inang Ko Po Catering Services na nagbahagi ng kanilang mga produkto upang busugin ang mga nagsipagdalong bata. Chocolate sundae at apple pie naman ang ipinamigay ni Cong. Apol upang pagsaluhan ng mga nagsipagdalo sa programa. Matapos ang kainan ay sinimulan nang ipamigay ng Tourim Council Officers ang mga grocery item, tsinelas, loot bags, tokens at regalo sa mga bata na tuwang tuwa namang tinanggap ang mga ito.
Recent Comments